Monday, April 16, 2012

National Museum of the Filipino People

I saw this one while cleaning my closet yesterday. I apologize because it's loosely written on Filipino.


Reaction Paper for Anthro 10 WFY
September 23, 2009

Kung susuriin ang lahat ng bagay na naka-exhibit, mapapansing may iba't ibang impreson ang mga Pilipino, pati na mga dayuhan, tungkol sa representasyon ng katawan.
Halimbawa na lang ang Metamorphosis at iba (pang) mga iskultura ni Jesus Araos, na bubungad mula saibaba ng hagdan saunang palapag. Tampok dito ang putol na pigura ng tatlong balletdancers na kasama lamang ang kanilang torso, bahagi ng binti na malapit sa balakang, at mga balikat. Ang approach na ginamit niya sa mga iskulturang ito ay pinaghalong realismo surrealismo dahil sa porma ng muscle ng kani-kaniyang iskultura, bagamat mapapansing  medyo nakaka-distract yung ibang muscles na para bang bukol ang mga hitsura. Ani Araos, ang katawan natin ay sumasailalim sa serye ng pagiging balanse at di-balanse, tulad na lamang ng (sa) mga ballet dancers. Bawat porma ng katawan sa isang partikular na dance stepay nagbibigay ng natatanging impresyon sa kagandahan okapangitan ng katawan ng isang tao.
Kahit sa mga Maitum at Manunggul burial jars ay mayroon ding mga antropomorpikong anyo ng mga taong yumao na. Ang mga Maitum jars ay kamukha umano ng yumaong nakapaloob ang mga labi (dito). Ang mga detalye ng mga anyong tao na nakasakay sa bangka na nasa takip ng Manunggul jar ay kahawig ng paniniwala ng paniniwala ng Griyego kay Charon at sa Ilog Styx. Ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala sa muling-pagkabuhay kaya ganun na lang ang pagpapahalaga ng mga naulila sa mga labi ng kanilang mahal sa buhay.
Sa Mindanao, lalo na sa mga komunidad na nasatabing-dagat,ay mayroong sunduk o grave markers na anyong tao rin ang hitsura. Kadalasang napapalibutano nakapatong ito sa isang platform na mukhang bangka.
Kahit sa mga iba't ibang ritwal , 'di mawawala ang mga anito na may antropomorpikong katangian. Tulad na lamang ng mga bulol na matatagpuan sa Ifugaom na malaki ang kaugnayan sa  kanilang mga ritwal sa pagsasaka  at magandang ani. Pati na rin sa ritwal ng paghihiganti, na maaari nating maiugnay sa Alim at Hudhud na epiko sa Ifugao, ay ginagamit din ito.May mga kasangkapan din, na bagamat hindi mga bulol, ay may malaking pagkakahawig sa hitsura ng mga tao.Kabilang sa mga ito ang mga bangko (kung saan pinapasan ng mga pigurang ito ang mga nakaupo), mga tabo at sandok (kung saan may imahe ng tao sa mga hawakan), at mga mangkok (na kanila ring binubuhat). Mayroon pa ngang palayok na masuso sa exhibit na ang panlabas na kaaunyuan ay malalaki at magkakatabing dibdib, na marahil ay gunagamit sa isang fertility ritual.
Kahit sa mga mitolohikal na nilalang ay mayroon ding kasamang representasyon ng katawan ng tao. Isa sa mga ito ang Borak, isang nilalang na kalahating tao, kalahating kabayo (parang centaur sa Kanluraning kultura) na mula sa mga Maranao sa Mindanao. Minsan din ay mayroong pakpak ang iskultura nito na para bang gryphon o chimera sa Europa.
Sa kontemporaryong sining, mayroon ding mga magagandang likha na nagpapakita ng pakikihalubilo ng iba't ibang katawan sa kanyang kapaligirigan. Ilan sa mga likha ni Ildefonso Marcelo, tulad ng Balut Vendor at Father and Child, ang ilan sa matibay na halimbawa ng mga ito.
Ilan lamang ang mga nabanggit sa itaas sa mga representasyon ng katawan ng ta sa iba't ibang panig ng bansa. Kadalasan, ang mga antropomorpikong mga pigurang ito ay may malaking bahagi sa pamumuhay ng kung saan ito matatagpuan. Maaaring ito'y ginagamit sa sa iba'tibang ritwal, panandang mahahalagang bagay (tulad ng mga labi ng yumao), kasangkapan sa araw-araw na gawain, pagsamba, mga tipikal na kabuhayan at iba pa.
Sa totoo lang, nagulat (at namangha) talaga ako sa lahat ng exhibit na nakita ko (sa National Museum of the Filipino People). Kung ihahambing ang kultura sa pre-Hispanic period (ng mga ninuno natin) sa mga kasabayan nito noong mga panahon, masasabing  mayaman talaga ang kultura natin. Dala na marahil ng ating heograpikal na kalagayan kaya mapapansin nating (bawat isa sa mga ito'y masasabing) natatangi at iba't iba. Sa pagkakahati ng mga pangunahing komunidad sa bansa sa apat na pangkat - tabing-dagat, kabundukan (Ifugao, Mt.Province), palibot ng lawa(Lanao, Maguindanao, at Laguna), at kapatagan (Central Luzon) - makikita at mapapatunayan ang mga ito.
'Di ko maitatanggi ang matindi kong paghanga samga likhang metal sa Maguindanao at Lanao sa Mindanao. Makikita sa mga ito ang pagiging mabusisi, malikhain, at ang pagkakaroon ng mataas na antas ng kasanayan ng mga Pilipino noong sinaunang panahon. 'Di ko makalimutan yung magandang mangkok o lalagyan ng mga prutas (o yung tinatawag nilang cornucopia) na may magandang disenyo, maaaring hango sa sining ng Arabia, na dala na rin ng impluwensiya ng Islam. Isa pang nakakatuwang bagay ay ang araro na ang frame ay hugis Sarimanok. Naisip ko lang, mas maganda at maarte pang tignan yung araro kaysa sa kalabaw o baka na humihila dito. Kahit papaano, maraming mga kagamitan sa bahaging iyonng Mindanao ang nananatiling buhay parin hanggang sa kasalukuyan.
Ang kolonisasyon ang maituturing nating may malaking epekto sa paglaho o kaya nama'y pagbabago ng kultura ng mga sinaunang Pilipino. Ang pagpapanatili ng kanilang kultura sa pamamagitan ng sining atiba pang mga kasanayan ay lubhang nag-iba pagkatapos ng higit tatlongdaang taon na pamamalagi ng mga dayuhan sa ating bansa. Ang pagkakaroon ng kapangyarihang mamuno ang nagdidikta  kung anong mga bahagi ng kanyang nasasakupan ang mananatili at buburahin. Maaaring 'di ito ganun kahayagan tulad ng mga nakaraang siglo, pero ang kulturang ating bansa  ay mabilis na nagbago dahil sa globalisasyon. Maraming natutuwa, maraming hindi. Ang pagtuklas sa sarili nating kultura ay hindi kailanman natatapos; naghuhukay tayo ng mga nakabaon sa ilalim ng lupa o lumubog sa ilalim ng dagat habang sa kabilang banda, pilit tayong bumubuo ng ng sarili nating kulturamula sa mga nakalakhan nating mga tradisyon at sa impluwensiyang dayuhan na pumapasok sa bansa dala ng globalisasyon. Hahabiin natin ang nakaraan kasama ng kasalukuyan para sa hinaharapat ang hinaharap ang magpapatuloy ng magtatagpi-tagpi sa isang ideyang tatawaging kulturang Pilipino.
Mapalad kami sa klase ng Anthro10 na masaksihan ang mga mga pili at natatagong yaman ng bansa sa National Museum of the Filipino People. Sana ay lumaki pa ang mga naka-exhibit doon at sana'y makita sila ng mas marami nating kababayan. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagmamalaki ng pagiging Pilipino.

*Ang susunod na bahaging eto ay 'di kasali sa naipasang gawain:

Matapos ng paglilibot sa museo, umikot ako sa paligid nito upang hanapin ang daan papuntang Rizal Park. Unang beses ko pa lang makakapuntaroon.Mainit pa na Linggo ng tanghali na noon.
'Di pala mismo nalalapitan yung rebulto ni Rizal kasi may bakod, ang layo pa nung hangganan. Medyo nadismaya ako dahil dun. Tumingin ako sa rebulto at tila kinausap ko ito saglit.
Sabi ko parang, "Bakit overrated ka?"
Tumigil ako saglit, lumingon sa bahaging Manila Bay, at nagsimula na kong maglakad sa dagat ng tao, papuntang Taft Ave. para maghanap ng masasakyan pauwi ng Quezon City.

No comments:

Post a Comment